ANG DPKK SA SAN VICENTE FERRER PARISH – BINAN CITY

DPKK sa San Vicente Ferrer Parish


Sa pasimulang gawain na nagsimula sa pagsulong ng Kgg. Obispo Buenaventura Famadico, ang bawat parokya ay nagkaisahang kilos upang maisagawa ito sa buong Diyosesis ng San Pablo.

Ang Dalaw Patron sa Kapitbahayang Katoliko ay isang makabuluhang gawain na naglalayon ng malawakang malasakit at pagkalinga sa mga kapatid na nasa lugar na napalayo sa kabihasnan ng pananampalataya ng sambayanang katoliko. Sa maalab na layunin ng pagpapalaganap ng ebanghelisasyon, bawat parokya ay nagsisikap na makaganap sa layuning ito ng pagpapahayag ng salita ng Diyos lalo at higit sa mga pamayanang napalayo sa kabihasnan ng pananampalataya ng sambayanang katoliko.

Isa sa aming Parokya sa mga nagsikhay na maisakatuparan ito, sa pagtutulungan at pamumuno ni Bro Willy Alzona at Sis. Lorie Mercado at mga kasama ay nakabuo ng mga cluster na patuloy nilang ginagabayan at nililindigan upang maging buo at matatag ang mga napasimulang gawain. Hindi madali ang naging paguumpisa ngunit sa tiyaga at malasakit ng namumuno ay nagkaroon ng liwanag ang layunin ng pagpapanibagong lakas ng pananampalataya ng mga pamilyang napalayo sa kabihasnan ng simbahang katoliko.

Sa kasalukuyang termino ng aming Kura Paroko, ang aming masipag, matiyaga at mapagmalasakit ng Lingkod Pari na si Reb. Padre Rico A. Villareal, ay naisasakatuparan ang banal na layunin ng pagpapalaganap ng ebanghelisasyon sa bawat lugar na may DPKK. Sa gawain ng pagtugon, nakahanay ang katuparan ng bawat inihandang layunin tungo sa ebanghelisasyon:

1. Ang una ay ang katesismo upang mapunuan ang kanilang kaalaman sa salita ng Diyos at mga kasanayan sa pananampalataya.

2. Ang ikalawa ay ang pagpapalaganap ng debosyon sa aming Patron na si San Vicente Ferrer upang maunawaan ang kahalagahan ng pagdedebosyon at tulong na panalangin sa buhay ng bawat mananampalataya.

3. Ang ikatlo at pinakamahalaga ay ang pagdaraos ng Santa Misa sa pamumuno ng aming butihing kura na s Reb. Padre Rico A. Villareal.

4. Ang ikaapat ay munting salu-salo ng pagkain sa mga nalikom na pamilya, partikular ang mga kabataan.

5. Ang ikalima ay ang pagbabahagi ng pagkaing ayuda sa mga pamilya, sa pakikipagtulungan ng PPC/PFC, ministries, organizations at mga chapels na walang sawang sumusuporta at sa mga benefactors na bukas palad sa pagbibigay ng ayuda. Lahat ay may pagkakaisang layunin sa mga gawain kaya madaling maisakatuparan ang bawat pagkilos, at sa dahilang malinaw sa bawat lingkod ang pangangailan na maibalik ang mga napalayo sa kabihasnan ng pananampalataya ang mga kapatid nating ito. Na ang bawat isa ay hindi tinatangihan. Bagkus, bukas palad na tinatanggap, anuman ang katayuan sa buhay, upang walang maiwan.

Liban ay makalakbay na walang nauuna o nahuhuli, at sa halip ay sabay-sabay na maglalakbay, kasama si Kristo Hesus, tungo sa isang buhay n a puno ng paglinggap, pag-ibig sa kapwa, pagunawa para sa mataimtim na pananampalataya kasama ang mga opisyales at miyembro ng nasabing organisasyon sa mga depressed areas ng ating Lunsod.

Sa panahon ng pandemya patuloy pa ring kumikilos ang DPKK sa pamamagitan ng pagtulong sa simbahan sa pamamahagi ng mga ayuda sa mga mahihirap. Bagamat hindi na nagaganap ang mga lingguhang pagsasama-sama at pagdarasal ng mga clustered families, sila naman ay nakukumusta ng aming mga Pari tuwing namamahagi ng ayuda. Nuong medyo maluwag na ang sitwasyon, ang mga DPKK Cluster Heads at mga miyembro ay sumasama at nakikiisa sa mga gawain ng Katedral tulad ng “Dawn Procession” sa unang Sabado ng buwan at “Alay” sa buwan ng Mayo at iba pa.

Noong nakaraang taon inilunsad ng Diyosesis ang “Handog Kalinga” at dito muling gumalaw ang DPKK sa pagpapaganap ng Handog Kalinga Lugaw Feeding at ng Community Pantry. Halos 2 magkasunod na Linggo na ito ay isinasagawa sa Katedral ngunit sa naisin ng aming Kura sa marami ang mabahaginan, ito ay ginawang Mobile Community Pantry kung saan kami ang pumupunta sa iba’t-ibang lugar, kasama ng DPKK sa gawaing ito an gaming Parochial Vicar Padre Dennis Millano at si Reb. Lawrence, Reb. Ricky, na ngayon ay parehong ganap ng Pari at ang 2 madre ng MCST na sina Sr. Luisa at Sr. Lorena.

Lubos kaming nalulugod sa muling pagbangon ng DPKK, isang makabuluhang gawain, ang “Flagship” ng ating mahal na Obispo. Sa pagkakataong ito nais naming magpapasalamat kay Reb. Padre Boyet Siddayao, kay Bro. Rey Sotelo, na kanyang kaakbay sa gawaing ito, sa kanilang matiyagang pagkilos, pagtutok at paggabay upang muling maibangon ang DPKK. Sa huli nais ko ding magpasalamat sa aming Rektor at Kuro Paroko at sa mga kasamang Pari ng Katedral sa kanilang pagsuporta sa akin,… sa amin,… sa mga gawain ng DPKK at ang mga miyembro nito na nasa laylayan ng ating lipunan. Nakatutuwa po na ipinadarama ninyo sa kahit paanong paraan na silang lahat ay ating kapatid at kabahagi ng ating Simbahan.

Maraming Salamat po!…
Mabuhay ang DPKK!…

Scroll to Top