ANG PAGDIRIWANG NG IKA-56 ANIBERSARYO NG DIOCESE OF SAN PABLO

Diocese of San Pablo 56 Anniversary

Minamahal kong mga kapwa lingkod katiwala at mga kapwa mamalakaya ng mga tao, sa ating pong pagdiriwang ng kapistahan ni Apostol San Andres ay narinig natin kung papaano si San Andres, isang mangingisda ay tinawag ng Diyos na si Hesus na hindi lamang isang isda ang huhulihin kundi ang mga kapwa tao para sa Diyos at ating pagninilayan ito sa pagkakataong nagtitipon tayo.

Lahat tayo sa isang banda, in oneway or another ay mga taong simbahan, mga naglilingkod sa iba’t ibang paraan, mga PPC Coordinator, PFC, Lectors, Commentators, Coordinators sa mga chapels, Asherret, LMD, at iba pa, kaya kayo’y narito ay sa dinami-dami na pwedeng isama mula sa parokya ay kayo ang isinama sapagkat mayroon kayong pinanghahawakan, mayroon kayong pananagutan sa parokya. Sa pagkakataong ito, gusto kong pumunta tayo sa “Basic” at nangangahulugan yan na kung mayroon na lihim tayo sa paghahari ng Diyos ay yung pinakamalapit sa atin dahil baka makalimutan natin yung ating mga first responsibilities.

Ang una na iyong huhulihin para sa Diyos, kung ikaw ay may asawa ay iyong “asawa”. Hindi ko alam kung kayo bilang may asawa ay napagusapan na yung “Di bat pangarap natin na di lang dito sa lupa sana pagdating ng panahon magkasama rin tayo sa langit”. Napagusapan nyo na ba yon bilang mag-asawa?. Napakagandang pagusapan yon sapagkat hindi lamang pinagsama dito sa lupa, pagsasamahin din doon sa langit at bago tignan yung responsibilidad sa parokya ang unang responsibilidad mo ay ang iyong spouse o asawa.

Sa aking pagbisita sa mga parokya ay mayroon doong parte na doon mismo sa pangkalahatan na “O sino sa inyo ang may gustong pasalamatan”. Mayroong isang pangyayari sa dalawang parokya na ang kanyang pinasalamatan ay ang kanyang asawa. Ang ginagawa doon ay yung pinapasalamat ay pumupunta doon sa gitna at isinasama nya kung sino yung gusto niyang pasalamatan, karamihan doon ay iyong mga kapwa lingkod simbahan pero sa dalawang pagkakataon ay ang kanyang isinama ay ang kanyang asawa. At sa harap noong mga maninimba sinabi nya “Pinasasalamatan Kita”.

Iba-iba ang dating at iba ang dating din para sa bawat isa sapagkat sinisiryoso ang pagiging mamamalakaya ng iyong asawa. Puwera dyan ang pagiging mamamlakaya ng iyong mga anak sapagkat sa tahanan ay doon unang nararamdaman at nararanasan ang kahulugan ng “Pag-ibig”. Sa tahanan unang nararanasan ng bata ang kahulugan ng “Paggalang”, pagpapahalaga sa kanya bilang tao. Doon unang nararanasan yung pagtitimpi, pagpapatawad, pag-aalo kapag nahihirapan, at pagbibigay lakas ng loob kapag pinanghihinaan ng loob. Doon unang nararanasan ng mag-asawa at ng mga anak galing sa kanilang mga magulang. Sa pamilya din unang nararanasan at natututuhan ng bata yung pagmumura, tignan mo kung paano magmura yung bata, baka iyon ay galing sa pagmumura ng tatay o ng nanay nya. Doon din nararanasan ng bata na pwede na pala kunin ang hindi mo pag-aari, pwede palang manakit ng iyong kapatid, bakit? “Aba! Ay ako’y sinasaktan ng tatay ko, hindi ako makaganti, ay tatay ko rin yon, tatay ko nga yon eh, kaya kapag nakasakit sa akin iyong kapatid ko ay kaya kong saktan sya dahil hindi nya kayang kumanti sa akin, Gayun din ang ginagawa ng tatay ko sa akin”. Kaya iyong paghahari ng Diyos ay unang nahuhubog sa buhay pamilya. Mayroon tayong tinatawag na nasa laylayan ng lipunan sa pamilya. Baka hindi rin natin nabibigyan ng pansin, sino ito? Eh di ang mga kasambahay, naglalaba, yung pumupunta sa atin kapag merong ipapagawa, mga suki na irerepair. Ano nga ba ang pagtingin natin sa kanila? Iyon ay nakikita natin doon sa ibinibigay nating higaan para sa kanila, yung binibigay nating pagkain para sa kanila, yung ating pagtrato kung sila ay nagkakasakit, gayun din kung magkano ang binibigay natin sa kanila kapalit ng kanilang paglilingkod. Doon nakikita, kung sila ay talagang itinuturing nating nasa laylayan na hindi na napapansin at isinasantabi. Idagdag pa dito, ay yung mga nakakasama sa trabaho, dahil baka makalimutan natin na dahil tayo ay naglilingkod sa simbahan eh pwede ng kalimutan yung “Basic”. Madali kaseng maglingkod doon sa mga taong hindi mo naman kaano-ano dahil hindi naman malaki ang requirement, hindi naman malaki ang emotional na investment na hinihingi sa bawat isa sa atin. Yung babatiin lang natin ng “good morning” ay “okay na yon” dahil hindi naman expected na “it goes beyond that”. Kaya yung sinasabi dito, “mamamalakayan” tayo yung naging “invitation” para kay san andres, ito rin ay “invitation” para sa lahat pero more basic doon sa “invitation” ng ating paglilingkod sa ating kapwa, sa simbahan, ay uunahin natin yung “dapat”. Ito yung asawa, mga anak, mga kapatid, mga kasama sa bahay at pagkatapos noon ay idadagdag natin yung ating paglilingkod sa simbahan.

Ako ay nagpapasalamat dahil saaraw na ito na dapat kayo ay nasa opisina subalit kayo’y lumiban sa trabaho, dapat ay meyroon kayong ginagawa, isinnantabi muna iyon, dapat ay mayron kayong kausap ngayon na ibang tao hindi muna para bigyan ng pagkakataon itong ating activity na ito. Maraming salamat sa inyo ng paglilingkod sa ating simbahan, lalung-lalo na yung mga parokya, hindi yan makakalimutan ng ating panginoong Diyos at sana’y sa pamamagitan ng paglilingkod na ito ay ating maipadama sa Diyos ang ating pasasalamat ng sa gayon ay madama rin natin yung ating kapwa na sila rin ay mahal ng Diyos sa pamamagitan ng ating paglilingkod na pinadadaloy natin sa kanila.

Purihin ang Diyos!

Scroll to Top