ARAW NG KAPISTAHAN, VIVA EL NOMBRE DE JESUS!

1

Sa Ika – tatlumpu’t limang Kapistahan ng Most Holy Name of Jesus Parish, nagsimula ang pagdiriwang sa pagsasagawa ng Prusisyon. Kasabay ng pagpapala na natanggap ng Parokya at ng mga Parokyano, kasabay din na bumuhos ang ulan. Subalit, hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang mga Pagdiriwang.

Bitbit ang kani-kanilang mga payong, ang mga Parokyano ng bawat Kapilya ay nakiisa sa prusisyon, kasama ang kanilang mga Patron. Sinisimbolo nito ang pagkakaisa ng mga bawat kapilya na nasasakupan ng Parokya. Sila din ay nagtayo ng mga Kubol na kung saan naging silungan ng mga nakiisa sa pagdiriwang. Sa mga kubol din dinaos ang pamamahagi ng mga masasarap na pagkain na inihanda mismo ng mga manggagawa ng simbahan.

Pagkatapos ng masayang prusisyon, naging mataimtim ang pagdiriwang ng kapistahan ng Parokya ng Kabanal-banalang Ngalan ni Hesus ng nag simula na ang Banal na Misa. Ang unang Banal na Misa ay pinangunahan ni Most Rev. Leo M. Drona S.D.B. D.D. na sinundan naman ng ikalawang misa sa pangunguna ni Most Rev. Buenaventura M. Famadico D.D.

Pagkatapos ng Unang Banal na Misa, nagkaroon ng maliit na salo-salo sa Bayanihan Hall ng Parokya. Dinaluhan ito ng mga pari na nagdiwang din ng Banal na Misa kasami ni Bishop Leo Drona. Pagpatak ng Ika-9:30 ng umaga, dinaos naman ang Ikalawang Banal na Misa na Pinangunahan ni Most Rev. Buenaventura M. Famadico D.D. Sa homiliya, ito ang kanyang naging paalala, Ang isang taong nagmamahal, nagagawa niyang magpatawad. Magmamahal kahit nahihirapan, kahit natatakot, kahit nagdududa, kahit pinanghihinaan ng loob. Kaya mo yan, paano? Humingi ng tulong sa Diyos sa Ngalan ni Hesus.”

Pagkatapos ng Ikalawang Banal na Misa, sa kabila ng patuloy na pagbuhos ng ulan, hindi nagpahuli ang mga Kabataan ng Simbahan, Sa saliw ng masaya at nakakaindak na tugtugin, umindak at tinuloy ang Karakol. Natapos ang pagdiriwang sa isang Prusisyon nang kinahapunan na kung saan inilibot ang monogram sa Barangay Laram, Narra, Riverside, UB, Bagong Silang, Magsaysay, UBL, Estrella, at Bayan-Bayanan, mga Barangay na nasasakupan ng Parokya.

Maligayang Kapistahan Most Holy Name of Jesus Parish!

𝑽𝒊𝒗𝒂 𝒆𝒍 𝑵𝒐𝒎𝒃𝒓𝒆 𝒅𝒆 𝑱𝒆𝒔𝒖𝒔!

Scroll to Top