Nuestra Señora De La Candelaria Parish

Untitled design

Location

Brgy, Maligaya, Mabitac, Laguna

Priest Name

Ernani S. Carrillo

Assistant Priest Name

Diyosesis ng San Pablo Parokya ng Nuestra Señora de Candelaria Mabitac, Laguna Mga Impormasyong Pang-Kasaysayan ukol sa SIMBAHAN NG MABITAC • Itinatag ang bayan noong 1613 sa ilalim ng mga paring Pransiskano ngunit nanatiling walang parokya. Dati rati’y isang nayon lamang ito ng Bayan ng Siniloan. • Ang orihinal na imahen ng patrona Nuestra Señora de Candelaria ay unang ipinagkaloob ng Kastila na si Cristobal de Mercado sa Simbahan ng San Francisco de Dilao, ngayon ay Distrito ng Paco, Manila noong taon 1600. • Malaunan ito ay dinala sa Bayan ng Siniloan, Laguna ng mga Pransiskano noong taon 1615 kung saan ito ang orihinal na Patrona ng nasabing bayan. • Upang maipon at mapagkaisa ang mga tao na hiwa-hiwalay ang tirahan sa lupain ng Mabitac, ang imahen ay dinala sa kapilya sa itaas ng isang burol upang pag-debosyonan ng mga taga roon. Matagumpay ang paglapat ng debosyon sa mga tao at inuring kanila ang paggalang at pagmamahal sa Birhen. • Nang kailangan nang ibalik ang imahen ng Birhen sa sadyang dambana niya sa Simbahan ng Siniloan, tumutol ang mga tao at hindi pinayagan ang mga paring Pransiskano na makuha ang minamahal na rebulto. • Sa taon ding 1615 ang mga taga-pagtatag ng Bayan ng Mabitac ay matagumpay na naipaglaban na maging permanenteng pag-aari at Patrona ng bayan ang Birhen ng Candelaria. Sa buong panahon ng mga Kastila, naging tanyag ang Birhen ng Candelaria sa Mabitac sa buong Lalawigan ng Laguna. • Ito ang dahilan kung bakit, kapag panahon ng taunang nobena sa Birhen, may isang araw na maraming taga-Siniloan ang sumisimba at nagnonobena sa kanilang dating patrona. • Namumukod-tangi ang simbahang ito sa buong Pilipinas sapagkat nakatayo siya sa itaas ng isang burol na maaabot ng konkretong hagdan na may Isang Daan at Dalawampu’t Anim (126) na hakbangan. • Dalawang beses napinsala ng malubha ang gusaling simbahan na ito. Ang una ang noong lindol ng 1880 kaya ipinaayos siya ng Kura-Paroko Fray Antonio dela Fuente, Pransiskano. Ang ikalawa ay noong lindol ng Agosto 20, 1937 kung saan gumiba ang harapan o pasada ng simbahan. • Sa Liturhiya ng simbahang Katoliko, ang pamagat ng Birhen Maria na “Candelaria” ay may kinalaman sa pag-aalaala sa paghahain ng Sanggol na si Hesus sa Templo ng Herusalem 40 araw matapos ang Pasko. Ito rin ay kasabay ng paglilinis ng Birhen Maria pagkatapos niyang manganak ayon sa Batas ni Moises sa kaugalian ng mga Hudio. Sa mga sagisag at imahen ng Simbahang Katoliko, ang mahal na Birhen ng Candelaria ay ipinapakita na may hawak na kandila. Sa kultura ng Europa, ang “Candelaria” ay nakaugnay sa pinakamahabang gabi sa panahon ng “Winter Solstice” kung saan ang tagumpay ng Liwanag ni Hesus laban sa dilim ng kasalanan ay sinasagisag ng mahabang kadiliman ng gabi na pinaliliwanag ng apoy ng mga kandila. Dahil dito ang pamagat na “Nuestra Señora de Candelaria” ay maaaring isalin sa Ingles bilang “Our Lady of the Presentation of the Lord” or “Our Lady of the Purification” or “Our Lady of Candlemas”. • Bukod pa sa imahen ng Birhen ng Candelaria, mayroon ding Imahen na busto si San Blas – patron ng mga may sakit sa Lalamunan. Sa kapistahan niya ay isinasagawa ang pagbabasbas ng mga lalamunan sa pamamagitan ng magka-ekis na kandila na idinidiit sa mga leeg ng mga deboto. • Ang kapistahan ng Birhen ng Candelaria ay tuwing ika-2 ng Pebrero samantalang si San Blas naman ay pinararangalan tuwing ika-3 ng Pebrero. Parokya ng Birhen ng Candelaria Mabitac, Laguna Taon/2008 Inipon na Impormasyon ni: Padre Gabriel Delfino, Hist. E.L. Lisensyado sa Kasaysayan ng Simbahan

Mass Schedule

Sunday Time: 6AM, 9AM, and 5PM
Monday Time: 5PM
Tuesday Time: 5PM
Wednesday Time: 5PM
Thursday Time: 5PM
Friday Time: 5PM
Saturday Time: 6AM

Featured Video

Gallery

Bank Transfer

Money Transfer

Donation QR Codes

Screenshot 20230814 234042 PowerPoint

Online Mass

Scroll to Top