DPKK Larawan ng Synodal na Simbahang Naglalakbay: Sama-Samang Magpapatuloy Patungo sa Isang Dekadang Pagmimisyon

Ang DPKK at National Shrine of San Antono De Padua

Muling ginugunita ngayong 2024 ang pagbukas ng taong 2023 para sa Dalaw Patron sa Kapitbahayang Katoliko sa Pambansang Dambana ni San Antonio de Padua ay napuno ng pananabik at pag-asa. Pananabik dahil sa pagbabalik ng mga gawaing pansamantalang itinigil dulot ng pandemya. Pag-asang maipagpatuloy ang mga nasimulan sa kabila ng mga hamong iniwan ng mga nakalipas na taon. Enero 2023 naganap ang updating ng mga DPKK coordinators at households. Layunin nito na kumustahin ang mga coordinators at ang bawat pamilyang kasapi ng DPKK. Nagsilbing unang pagpupulong ito ng taon.

1             

2

Tatlong dalaw patron sa mga barangay ang ginanap noong Pebrero. Nauna rito ang Barangay San Miguel na sinundan naman ng dalawang sitio sa Brgy San Antonio. Nagkaroon ng pagbabasbas ng mga kabahayan na sinundan ng pagdiriwang ng Banal na Misa. Pagtanggap at pagsalubong naman sa mga bagong DPKK coordinators ang inilunsad noong Pebrero 14 kasabay ang pang-Martes na debosyon kay San Antonio. Ang mga newly-installed coordinators ay ang mga magulang ng mga Iskolar ni San Antonio na buong-pusong tinanggap ang misyon ng DPKK. Ang mga kasalukuyang coordinators naman ay nagkaroon ng renewal. Naging bahagi rin ang DPKK sa Dalaw Pastoral ni Lub. Kgg. Buenaventura Famadico noong Pebrero 15.

3

DPKK sa Brgy. San Antonio

                                                                                              4      

                           5

Pagtatalaga sa mga bagong DPKK coordinators at pagsasariwa ng pangako ng mga kasalukuyang DPKK coordinators.

6

Bisita Pastoral ni Lub. Kgg. Buenaventura Famdadico, D.D.

Sa pagpasok ng Panahon ng Kuwaresma, ang mga DPKK coordinators ay masigasig na pinangunahan ang pagdarasal ng mga Istasyon ng Krus at Street Masses sa Barangay Masico at sa apat na mga Barangay ng Poblacion tuwing Biyernes. Dagdag pa rito ay ang aktibong partisipasyon sa mga gawain para sa Mahal na Araw lalo’t higit ang “Vigilia ng Huwebes Santo”. Patuloy ang pagbabalik-sigla sa mga gawain sa loob at labas ng Dambana. Makikita at mararamdaman din ang pagkasabik na muling magampanan ang misyon ng bawat isa.

Sa pagdiriwang ng ika-apat na taon ng pagiging Pambansang Dambana, idinaos ang isang Spiritual Conference na mayroong temang; “Mga Dambana, Mukha ng Makabagong Ebanghelisasyon”. Nagsilbi rin ito bilang DPKK Day para sa buwan ng Abril. Dinaluhan ito ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga parokya mula sa apat na distrito ng Diyosesis ng San Pablo. Ang naging tagapagdaloy ng programa na si Bro. Kendrick Ivan Panganiban ay nalugod sa naging pagtanggap at aktibong pakiisa ng bawat parokya. Ilan sa mga tinalakay sa nasabing pagtitipon ay ang kahalagahan ng mga Dambana at ang kanilang partisipasyon bilang mga makabagong tagapaghatid ng Mabuting Balita. Si Bro. Kendrick ay nagsisilbi bilang Lay Secretary ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines o ACSP.

 

Bahagi rin ng pagdirwang ang pagkilala sa anim na Pangdiyosesanong Dambana ng Diyoesis ng San Pablo bilang mga miyembro ng ACSP. Kasama ang kanilang mga rektor ay tinanggap nila ang sertipiko ng pagiging kasapi sa ACSP. Ayon kay Fr. Reynante Tolentino, ang pagsasama-samang ito ay mayroong malaking bilang ng mga dumalo. Natapos ang selebrasyon sa pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ng rektor at kura paroko ng Pambansang Dambana ni San Antonio de Padua, Rev. Fr. Emil A. Urriquia kasama ang rektor at kura paroko ng Pangdiyosesanong Dambana ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, Rev. Fr. Ireneo Oliver at ang rektor ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, Rev. Fr Reynante U. Tolentino.

7         8              a   

 “Mga Dambana, Mukha ng Makabagong Ebanghelisasyon” – tema ng Spiritual Conference bilang bahagi ng ika-4 na Annibersaryo ng pagiging Pambansang Dambana ni San Antonio de Padua

Ginawaran naman ng pagkilala ang ilan sa mga DPKK coordinators sa ginanap na New Evangelization Conference (NEC 2023) noong Mayo sa San Pablo City. Binigyang pagkilala din sa pamamagitan ng posthumous award ang mga DPKK coordinators na namayapa na. Ang NEC 2023: “Live Christ, Share Christ” ay dinaluhan ng mga parokya sa Diyosesis partikular ng mga kabataan. Nagkaroon ng pagdiriwang ng Banal na Misa pagkatapos ng pagtitipon.

NEC

NEC 2023 na ginanap sa San Pablo City

Bilang paghahanda sa Kapistahan ni San Antonio ng Padua, ang mga DPKK coordinators kasama ang mga Hermano at Hermana Mayores ng Fiesta 2023 ay dumalo sa novenario simula Hunyo 4 hanggang Hunyo 12. Masayang nakilahok ang mga DPKK coordinators sa maringal na prusisyon sa karangalan ni San Antonio noong Hunyo 13.

10

Hulyo 22 nang ipinagdiwang ang ika-siyam na taon ng DPKK sa Dambana ni San Antonio sa pamamagitan ng isang formation na pinangunahan ni Rdo. P. Mark Anthony Jamero. Dito ay ipinaalala niya ang pagiging isang mabuting lingkod katiwala ng mga naglilingkod sa Diyos. Matapos ang formation ay isang salo-salo ang naganap. Muli namang binalikan ng mga coordinators ang kanilang naging paglalakbay sa DPKK sa pamamagitan ng isang video presentation. Ito rin ay isang paghahanda sa susunod na taong pagdiriwang sa ika-sampung taon ng DPKK sa Dambana ni San Antonio.

11

12

13

Ika-9 na Taong Annibersaryo ng DPKK sa Dambana ni San Antonio de Padua

 Tunay na pinagpala ang bayan ng Pila at ang Dambana ni San Antonio sa pagdalaw ng Mahal nga Patrona mula sa Diocesan Shrine of Our Lady of the Assumption, Diyosesis ng Maasin, Southern Leyte noong Oktubre 11 – 13. Hindi alintana ang tagal ng paghihintay, sinalubong ng komunidad ni San Antonio de Padua ang Mahal na Patrona. “Fiesta na ito sa Maasin” ito ang naging tugon ng Rektor, Rdo. P. Mark Vincent Salang nang makita niya ang mainit na pagtanggap sa Mahal na Birhen.

Sa ikalawang araw ay naging bahagi ng programa sina Rdo. P. Amadeo Alveyra Jr. at Rdo. P. Christian Abao na nagbigay ng kanilang mga panayam tungkol sa Mahal na Birheng Maria. Maghapon ang pagdarasal ng Sto. Rosario na pinangunahan ng Marian Associations kasama ang ibat ibang samahang pansimbahan at ang mga paaralan sa bayan ng Pila. Nagkaroon ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rdo. P. Mark Anthony Jamero  kasama si Rdo. P. Mark Vincent Salang. Isinagawa ang pag-aalay ng mga simbolo at bulaklak sa Mahal na Birhen, katulad ng tradisyunal na pagdiriwang ng Flores de Maria.

Sa huling araw ng pananatili ng Mahal na Birhen ay ipinagdiwang ang Banal na Misa sa pangunguna ni Lub. Kgg. Leo Drona, SDB., Bishop Emerito ng San Pablo. Inihatid ng komunidad ni San Antonio ang Mahal na Patrona sa National Shrine of St. Padre Pio, Sto. Tomas, Batangas. Ang pagbisita ng Mahal na Patrona ay bahagi ng kanyang pagdalaw sa mga dambana sa buong bansa.

14         15

16

Pagbisita ng Mahal na Patrona mula sa Diyosesis ng Maasin, Southern Leyte

Kasabay ng ika- limang Annibersaryo ng Pagtatalaga sa Parokya ni San Antonio de Padua noong Disyembre 16 ay isang pasasalamat para sa mga DPKK coordinators ang handog ng Shrine Promoters of San Antonio de Padua.  Ang “Paskuhan sa Kapitbahayang Katoliko ni San Antonio” ay nagsilbing Appreciation Day at General Assembly ng DPKK para sa taong 2023.  Nagkaroon ng maikling formation na nagmula kay Rdo. P. Mark Anthony Jamero. Dito ay muli niyang ibinahagi ang pagiging mabubuting lingkod katiwala ng mga manggagawa ng simbahan.  Matapos ang formation ay nagkaroon ng groupings para sa pagbabahaginan ng bawat isa bilang tugon sa katanungan ukol sa mga karanasan bilang DPKK Coordinator at paanong naisasabuhay ang mga aral na natutunan. Pagkatapos ay napuno ng kasiyahan ang Old Convent ng National Shrine dahil sa mga palaro at raffle. Sabi nga ay “deserve na deserve” ito ng mga coordinators dahil sa kanilang buong pusong paglilingkod at patuloy na pagtanggap sa hamon na maihatid ang Simbahan sa mga nasa laylayan.

17        18          19

Paskuhan sa Kapitbahayang Katoliko ni San Antonio

Naging bahagi muli ang DPKK sa paghahatid ng mga Media Noche packs sa ginanap na Parish Gift noong Disyembre 29, 2023. Mahigit walong-daang pamilya ang nabiyayaan ng mga gift pack na nagmula sa mga inialay sa mga Misa noong Simbang Gabi at sa mga pamilyang nagkaloob ng isanglibong piso para sa proyektong ito. Taon-taon ay mga DPKK coordinators ang gumagawa ng talaan ng mga pamilyang mabibigyan ng gift packs. Ito ay dahil sa higit nilang pagkakakilala sa mga pamilya sa mga barangay na kanilang nasasakupan.  Alinsunod sa Synodality na hamon ng Santo Papa, maaari nang maisama sa mga mabibigyan ang mga kapatid natin na nasa ibang sekta o relihiyon lalo’t higit kung sila ay lubhang nangangailangan.

20            21              22

Parish Giift Giving

Ang taong 2023 ay naging simula muli ng mga gawain para sa DPKK. Nagkaroon ng mga buwanang pagtitipon at patuloy pa rin ang aktibong partispasyon ng DPKK sa Dambana ni San Antonio. Sa pagsisimula ng taong 2024 at sa pagsapit ng ika-sampung taon mula nang magkaroon ng Dalaw Patron sa Dambana ni San Antonio ay higit na nadagdagan ang hamon ng paghahatid ng Simbahan sa mga nasa laylayan. Ang panibagong hamon ng isang Simbahang Synodal na sama-sama, walang maiiwan at lahat ay mga kakalakbay.  Nang magbukas ang taong 2024 ay sinimulan ng DPKK ang gawaing kaugnay ng “National Bible Month”  kung saan nagkaroon ng Diocesan Bible Convention sa Lyceum Calamba City. Ito ay dinaluhan ng ilan sa mga DPKK coordinators ng Shrine.

Ang mga paghahanda para sa Panahon ng Kuwaresma ay unti-unting isinasagawa. Pebrero nang magsimula ang Pagdarasal ng Daan ng Krus sa mga Barangay. Tumugon din ang DPKK sa panawagan para sa Walk for Life na ginanap sa National Shrine of San Antonio de Padua noong Marso 2, Sabado. Dinaluhan ito ng ibat’ibang mga organisasyong pansimbahan mula sa mga parokya ng Diyosesis ng San Pablo.

23   24   25

Ang Pagdarasal ng Istasyon ng Krus sa mga barangay at ang Walk for Life 2024

Sampung taon na ang nakalipas simula nang mailunsad ang DPKK sa bayan ng Pila. Isa ito sa mga naging mukha ng ebanghelisasyon sa Pambansang Dambana ni San Antonio. Ito ay isang pagtugon sa hamon ni Pope Francis sa Dambana na ipagpatuloy ang pagiging sentro ng kawanggawa at maging tahanan ng mga nagnanais na makatagpo ang Diyos.

26

 

Co Authors:

Rev. Fr.  Mark Anthony M. Jamero, Parochial Vicar of National Shrine of San Antonio de Padua

Christine Ann A. Quintero, Shrine Promoter of National Shrine of San Antonio de Padua ; Secretary – PPC


Scroll to Top